39
Ariana Grande nilait dahil sa bagong endorsement
By

Ariana Grande nilait dahil sa bagong endorsement

Maraming fans ni Ariana Grande ang nagalit sa singer dahil sa pagtanggap nito na maging ambassador ng Starbucks Cloud macchiato.

Sa pagkakaalam ng fans ni Ariana ay 100% vegan ito since 2013 kaya bakit niya tatanggapin ang isang endorsement na dairy-based product?

“I thought Starbucks new drink since it’s being endorsed by Ariana Grande would be able to be made vegan since you know she IS vegan, but upon research it has egg white powder in,” tweet ng isang fan.

Ayon sa Starbucks barista, kahit na hindi dairy milk at soy milk ang nakahalo sa Cloud macchiato, hindi pa rin ito matatawag na isang vegan beverage.

“As a barista AT Starbucks, I think it’s really weird that Ariana Grande is the ambassador for the new drink. You literally cannot make it vegan, the key ingredient in cloud powder is egg whites to make it more like meringue,” tweet ng barista.

Heto pa ang isang tweets na nila-lambast ang endorsement ni Ariana:

“Ariana, I’m vegan I love animals I could never think about eating another way! Also Ariana: *releases drink with egg whites w/ Starbucks*”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?