11

May 18, 2021 @ 10:06
By

Ariana Grande kinasal sa real estate agent

Officially taken na ang pop singer na si Ariana Grande.

Ayon sa report ng TMZ, kinasal si Ariana sa kanyang fiance na si Dalton Gomez, isang real estate agent.

Pili lang ang nakadalo sa kasalan, wala pa sa 20 ang guest kung saan halos pamilya lang ang guest.

Wala umanong seremonya sa naturang kasalan, at hindi rin klaro kung gaano katagal plinano ni Ariana at Dalton ang kanilang pag-iisang dibdib.

2020 nang magsimulang mag-date ang couple, December ng parehong taon ay engaged na sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?