19

Sep 26, 2021 @ 10:18
By

Ariana Grande hahabulin yaman ni Kylie Jenner

Bukod sa pagiging singer ay pinasok na rin ni Ariana Grande ang pagnenegosyo.

Makikita sa social media post ng American pop star ang paglulunsad niya ng kanyang beauty brand na “r.e.m. beauty.”

Wala pa man ding ibang detalyeng inalabas si Ari ay nagpakita na ng full support ang kanyang mga Arianators.

Si Ariana ang singer na nasa likod ng hit songs na “thank u, next,” “Rain on Me,” “Stuck with U,” One Last Time at “Break Free.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?