By

Argumento ni Sombero sa kasong plunder, sinopla ng Ombudsman

Sharing is caring!

Hindi umano obligado ang Ombudsman na tukuyin ang “main plunderer” sa kaso kaugnay ng P50-million immigration bribery scandal.

Sagot ito ng prosekusyon sa argumento ng akusadong si retired police officer Wally Sombero na nagpapabasura sa kanyang kaso.

Sa 20-pahinang oposisyon na isinumite sa Sandiganbayan Sixth Division, ipinunto ng prosekusyon na walang sinasabi sa Anti-Plunder Law na kailangang tukuyin ang main plunderer sa partikular na krimen.

Sa kanyang motion to quash, iginiit ni Sombero na umano’y middleman ng gambling tycoon na si Jack Lam, na hinihingi ng batas na ang main plunderer ay nakaupo sa posisyon sa gobyerno nang mangyari ang krimen, bagay na nabigo daw tukuyin ng Ombudsman.

Sa halip, inakusahan anya ng prosekusyon sina dating Immigration deputy commissioners Al Argosino at Michael Robles bilang dalawang opisyal na tumanggap ng P50 million.

Pero ayon sa Ombudsman, hindi kailangang tukuyin ang main plunderer dahil ginawa ang krimen nang magsabwatan sina Robles, Argosino, at Sombero kapalit nang pagpapalaya sa 1,316 Chinese workers na iligal na nagtatrabaho sa Fontana Leisure Parks and Casino sa Clark, Pampanga.

“Since the crime of plunder may be committed in connivance or conspiracy with others, and the present information expressly alleged that accused Sombero, Argosino, and Robles conspired and confederated with one another, it would be unnecessary to specify who is the ‘main plunderer’ among them,” ayon sa Ombudsman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?