Argentine priest kulong ng 25 taon sa pag-abuso ng mga bata

Sharing is caring!

Hinatulan ng korte ng 25 taong pagkakakulong ang isang paring Katoliko dahil sa pag-abuso sa pitong bata sa loob ng walong taon.

Si Justo Jose Llarraz, 57, ay isinailalim sa house arrest hangga’t hindi pa nareresolba ang kanyang apela sa sentensiyang inihatol sa kanya.

Isinagawa diumano ni Llarraz ang pag-abuso sa mga bata sa isang diocesa school sa lungsod ng Parana, 600 kilometro anglayo sa Buenos Aires.

Sabi ng prosecutor, ang mga biktima, edad 13 at 14, ay boarders sa seminary school.

Inabuso umano ang mga bata sa seminaryo sa pagitan ng 1985 hanggang 1993.

Hinala ng mga imbestigador marami pang inabuso si Llarraz subalit takot lang lumantad ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?