71

Arestuhin na si Sereno – House Deputy Speaker Castro

Sharing is caring!

Sinegundahan ni Deputy Speaker at Capiz Rep. Fredenil Castro ang posisyon ni House Justice Committee chairman at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na maaaring ipaaresto ng Kamara si Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Castro, hindi maaaring i-invoke ni Sereno ang pagiging co-equal ng Korte Suprema sa Kongreso dahil ito lang ang ini-impeach at hindi ang institusyon ng kataas-taasang hukuman.

Sakaling isyuhan ng warrant of arrest si Sereno, hindi rin aniya ito maituturing na pagsira sa Korte Suprema dahil tumutupad lamang ang komite ng constitutional mandate.

Kaya para hindi na humantong sa puntong ito, pinayuhan ni Castro si Sereno na harapin ang reklamo.

Iginiit rin ng Deputy Speaker na premature na mag-invoke si Sereno ng right to counsel at karapatang mag-cross-examine ng mga testigo sa determination of probable cause ng complaint.

Puwede aniya itong gawin sa mismong paglilitis na sa Senado dahil ang proseso ng House justice committee ay preliminary investigation pa lamang. Pearl Serrano

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?