501
dick-gordon-
Mar 30, 2019 @ 19:53
By

Arestuhin, kasuhan na! – Gordon sa mga artistang nasa drug list

Dapat na umanong kasuhan ang mga showbiz personality na sangkot sa iligal na droga imbes na daanin sa publicity ang drug list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ani Senador Richard Gordon, hindi umano patas ang ganitong kalakaran.

“That’s unfair. Why are you resorting to publicity? Aaron, General Aaron, catch them. File cases against them,” ani Gordon sa panayam sa dwiz.

Ito ang reaksiyon ni Gordon sa pagsisiwalat ng PDEA na 31 celebrities ang nasa listahan nila kabilang ang isang loveteam.

Dagdag pa ni Gordon, bilang isang abogado, dapat umano lahat ng personalidad ay “presumed innocent until proven otherwise”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?