19

Arellano umabante agad sa pagdepensa sa NCAA women’s volley crown

Sharing is caring!

Maganda ang simula ng Arellano University sa kanilang kampanya na maidepensa ang titulo nang kalusin sa unang laban ang Mapua, 25-10, 25-17, 25-13, nitong Huwebes sa NCAA Season 93 women’s volleyball sa The Arena sa San Juan.

Nanguna sa opensa ng Lady Chiefs si Regine Arocha sa naipalong 12, habang tumulong si Andrea Marzan ng siyam na puntos.

Masaya naman si AU coach Obet Javier sa panimulang panalo ng kanyang bataan.

Lagi umano niyang pinapaalala sa kanyang team na kampeon sila ng nakaraan at kailangan nilang depensahan ang titulo ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?