12

By

Arellano rookie Josef sumaklolo sa Chiefs

Sharing is caring!

Inalpasan ng Arellano University Chiefs ang determinadong Jose Rizal University Heavy Bombers 79-70 sa senior men’s basketball tournament ng NCAA Season 94, Biyernes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Panalo man ay aminado si Chiefs head coach Jerry Codiñera na matagal bago nila nakuha ang kanilang tamang kumbinasyon at timpla sa laro.

“Medyo ang tagal din bago namin nakuha yung combination sa defense and sa offense namin talagang hindi pa ano, medyo nagkakanya-kanya eh,” saad ni Codiñera.

Malaki rin aniyang kaginhawaan ang ginawang laro ng kanyang rookie na si Maui Sera Josef na naging pangunahing bala nila matapos kumubra ng 17 puntos, siyam na rebounds at isang steal.

“It’s really a big relief from Maui (Sera Josef), he is coming off from a stretch forward position na we will able to match-up yung mga player ni coach Vergel (Meneses) na sa sakit sa ulo kasi may players na lumalaro sa labas, Maui defended well tonight,” dagdag ni Codiñera.

Sa kabilang panig naman, nanguna para sa Heavy Bombers si Jed Mendoza na rumehistro ng 23 puntos at limang rebounds at si RJ David na may siyam na puntos, limang rebounds at isang assist.

Bitbit ngayon ng Chiefs ang 3-3 baraha habang ito na ang ikaanim na sunod na talo ng Heavy Bombers. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?