263

By

Ardot Parojinog posibleng maibalik ng PH sa Agosto – PNP

Makakabalik na sa susunod na buwan sa Pilipinas si Ozamiz City Councilor Ardot Parojinog mula sa Taiwan.

Ito ay kung mapagbibigyan ang hiling ni Councilor Parojinog na paikliin ang kinakaharap niyang sentensiyang tatlong buwang pagkakakulong dahil sa kasong illegal entry sa Taiwan.

Ayon kay Police Director Gregorio Pimentel ng Directorate for Intelligence, nakipag-ugnayan na rin ang Philippine National Police sa Taiwan Economic and Cultural Office para sa immediate repatriation ni Parojinog.

Aniya, tatlong buwan kasi ang ipinataw na parusa ng Taiwan Court kay Parojinog dahil sa pagpasok nito sa Taiwan gamit ang mga pekeng dokumento.

“Well he was given three months to serve but he is given due notice that he can be granted earlier repatriation upon his request,” sinabi ni Pimentel.

Pagbalik sa Pilipinas ay kakaharapin naman ni Ardot ang kasong illegal possession of firearms and explosives at paglabag sa Section 3 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?