ABANTE arci munoz snow white disney princess
By

Arci Munoz trip maging Disney Princess sa birthday niya

Sharing is caring!

Kakaibang trip naman ang ninanais ni Arci Muñoz sa taong ito nang 2018 at sa birthday niya (ngayong January 12).

Ilang araw bago nag-celebrate ng kanyang kaarawan ang controversial Kapamilya star, nagposte ito sa kanyang Instagram wall ng photo nya na naka-suot ng costume na “Snow White”.

Nasa Carousel si Arci at naka-emote na animo’y isang tunay na Disney Princess. Nakaposte rin sa parehong wall ang ilang mga larawan nya kasama ang mga bata.

Pangarap pala ni Arci na makapag-suot ng Disney character at i-treat sa isang wonderland (gaya nang Enchanted Kingdom o Star City o Hongkong Disneyland) ang mga bata.

@ramonathornes, “Since last year, I told myself that this is how I wanna spend my birthday with my little prince and princesses..i can’t wait to take them to this fairytale world I live in! #birthdaywishes #snowhite #disney.”

Last year kuha ang costume na ito ni Arci nang mag-celebrate siya ng birthday kasama ang ilang mga less fortunate kids.

Nais na naman nang sexy actress na ulitin ang birthday themed party nya na isa namang Disney Character ang kanyang ipu-portray o costume na isusuot.

Sinusulat ang item na ito wala pang latest posting si Arci sa kaganapan nang birthday niya o kung natupad ba ang kanyang pangarap.

Pero posibleng maulit uli ito dahil pangarap ito nang aktres at may mg taong tumutulong sa kanyang maisakatuparan ang kanyang birthday wish. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?