39

Oct 28, 2020 @ 15:44
By

Arci Muñoz sugatan sa training

Ipinakita ni Arci Muñoz ang sugatan niyang paa at bukung-bukong dahil sa masidhing pag-eensayo bilang Philippine Air Force reservist.

Sa kanyang Instagram post, Oct. 27, makikita ang duguan at namamagang paa ni Arci dahil sa pagsusuot ng combat boots.

“To my combat shoes.. grabe mo kong sinaktan! Pero ikaw pa din ang pipiliin ko sa kahit na ano pa mang sapatos jan!! Dahil tinuruan mo kong maging matatag, to have humility, loyalty, to have the sense of valor, and to value the importance of Camaraderie. Kaya ikaw pa din paborito ko forever!! Marami pa tayong pag dadaanan!” caption ni Arci.

Kamakailan nang inanunsyo ni Arci na isa na siyang sergeant sa Philippine Air Force Reserve nang matapos niya ang Citizen Military Training course noong Oct. 25.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?