202

Oct 12, 2021 @ 18:54
By

Arci Muñoz nilublob mukha sa putikan

Marami ang humanga kay actress Arci Muñoz matapos niyang ibahagi ang ilang kaganapan sa kanyang training para maging reservist.

Pati ang paglublob ng bibig niya sa maputik na tubig sa damuhan ay game na ginawa ni Arci.

Kuha iyon nang sumailalim siya sa Philippine Air Force (PAF) Basic Citizen Military Training.

Tumulong din siya sa ilang humanitarian mission ng PAF.

“A strong woman stands up for herself but a stronger woman stands up for others,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?