172

Nov 30, 2021 @ 21:50
By

Arci Muñoz nagwalwal sa BTS concert

Wapakels si Arci Muñoz basta para sa K-pop group na BTS.

Nagwala nga ang aktres nang manood ng unang concert ng BTS ngayong pandemya na “Permission to Dance” tour sa Los Angeles.

Sumigaw-sigaw si Arci at umiinom habang nasa concert.

Tinawag din niya ang BTS member na si Jungkook habang todo sabay sa pagkanta ng grupo ng “Life Goes On” at “Boy With Luv”.

Ilang fan ng BTS ang inggit much kay Arci.

@uuhlxx: “Hoyyyy!! Ang swerteeee ni Arci Muñozzzz!!! Andun sya sa pinakababa lang ng BTS sa concert: ayaw ko na talaga.”

@Elengggg: “Si Ateng Arci Munoz nag walwal sa BTS concert kanina. SABAY SABAY TAYONG MAG SANA ALLLLLL!”

@_macndlchiz: “Sabay sabay tayong mainggit kay arci dahil nasa concert siya ng bts,, ghorl sana pala di ko na binuksan ig ko.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?