12

Mar 9, 2021 @ 14:43

Arci Muñoz mala-dagat koleksyon ng BTS merch

Ipinakita ng aktres at bokalistang si Arci Muñoz ang kanyang koleksyon ng BTS merchandise sa kanyang bagong vlog.


“Makikita niyo rito sa kwarto ko ang napakarami kong persona. And today, since matagal na akong hindi nakakagawa ng BTS content. Content nga lahat sa YouTube ko BTS na pala, hindi ko namamalayan sa ngayon ito talaga ang nagbibigay ng happiness sa akin and I would love to share it to all of you guys,” anang aktres sa kanyang latest vlog na pinamagatang “BTS HAUL UNBOXING.”

Makikta sa naturang vlog ang koleksyon niya ng mga gamit na may tatak at mukha ng mga BTS members na sina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V at Jungkook.

“Ang galing talaga mambudol ng BTS. Nabudol ako talaga ng matindi. … The greatest budol of them all, isa po ito sa mga na-ultimate budol ako ay ang limited edition na Dan Jang Hanbok x Mattel BTS doll. This is limited edition. And since it’s a bit pricey si Jimin lang ‘yung na-grab ko,” anang aktres.

Sambit niya, okay lang sa kanyang magpakawala ng pera sa pagbili ng mga laruan ng naturang South Korean boy group.

Magugunitang nito lamang Oktubre ng nakaraang taon inihayag ng singer na nagsilbing malaking tulong sa kanya ang BTS dahil sa pinagdaanan niyang sakit buhat ng kanilang breakup ng kanyang ex jowa. (VAPA)

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/arci-munoz-iniligtas-ng-bts/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?