42

Oct 29, 2020 @ 15:58
By

Arci Muñoz iniligtas ng BTS

Ikinuwento ni Arci Muñoz kung paano siyang natulungan ng K-pop boyband na BTS upang makabangon sa mahirap na yugto ng kanyang buhay.

Kasama ang aktres sa dedicated fanbase na Army ng BTS.

Nagsimula siyang maging avid BTS fan noong nakaraang taon at timing daw ang pagkakatuklas niya sa grupo dahil sa pinagdadaanan niyang breakup.

“Last year, I started stanning this group without any idea of how much impact they’ll have in my life. it was really sudden,” caption ni Arci sa photo habang nasa BTS concert siya.

“Well,… I believe everything happens for a reason. Little did I know that God was just preparing me for a heartbreak and the boys really helped me get through it. They were the source of my genuine happiness. Really glad I have them now in my life. they’ve shown me I have reasons I should Love Myself.”

Sa isa pang post ipinakita ni Arci ang colorful heart tattoos niya sa kamay na inspired sa third compilation album ng BTS na “Love Yourself: Answer”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?