19

By

Arci Muñoz excited sa pagsasama nila ni JM de Guzman

Sharing is caring!

Sa post ni Arci Muñoz sa kanyang Instagram, masaya nitong binalita ang pagsasama nila ng aktor na si JM de Guzman sa isang proyekto.

Caption pa ng aktres, “Sa tagal natin magkakilala!! Mula sa mga U.P. days natin! Sa wakas brother!! First time tayo magkakasama sa isang project!! excited ako at masaya!! Let’s do this shayt!!! Hihihi”

Tinutukoy ni Arci ang pelikulang pagsasamahan nila ni JM na ‘Last Fool Show’.

Sunod-sunod nga ang proyekto ng aktor dahil mayroon din itong pelikula na katambal naman si Rhian Ramos, ito ang ‘Kung Paano Siya Nawala’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?