446
ABANTE ARCI MUNOZ SURPRISED BIRTHDAY PARTY BOYFRIEND BUSINESSMAN
Jan 15, 2018 @ 9:08
By

Arci mukhang ikakasal sa dyowa sa surprised bday party

Dagdag-pogi-points na naman kay Arci Muñoz ang kanyang Fil-Chinese businessman boyfriend na si Anthony Ng.

Si Anthony at ilang mga kaibigan ang nag-ayos nang surprised birthday party ng aktres kamakailan lang.

Nakaposte sa Instagram wall ni Arci ang dalawang parts ng short video nang preparasyon ng party niya na ginanap sa Alba Resto at ang mismong pagdating nya pati hanggang sa flow ng party.

Makikita sa video ang pagpigil ni Arci na maiyak sa kasiyahan sa hindi inaasahang birthday celebration.

Isa ang nasabing boyfriend ni Arci sa pinasalamatan nang todo ng aktres sa ibinigay sa kanyang sorpresa.

Nasambit ni Arci na nagmistula siyang parang ikakasal sa party na ito, o ang ibig niyang sabihin ay “engagement” nila ng boyfriend.

@ramonathornes, “Caution: senti-feels. Sorry guys..hehe but My heart overflows with love. Thank you soo much for making this day extra special.

Couldn’t contain the joy in my heart upon seeing all my loved ones on my bday. Trying to hold back my tears “Pamacho” Cos I’, usually the one surprising people. My love #oppa you’re the best! Thank you for gathering all my loved ones. I’m overwhelmed with happiness. Special thanks to my constants. Hehe @gosteph85 @sharlgo @starmagic_portia @starmagic_camssie thank you @niceprintphoto @vastmnl for capturing this rare moment..Para akong ikakasal!! Hahahaha!”

Hindi lang si Arci ang naging bida sa video kundi ang kanyang boyfriend na sa umpisa pa lang ay tsini-tsika na ang mga naunang bisita. At sa party may mga sweet moments pa sila ng aktres. Nilalagyan pa nang lay o flower ang ulo ng kasintahan. May pagkakataong nagkakayakapan silang dalawa.

Sa celebration na ito, talagang nag-enjoy at umaapaw sa kagalakan ang puso nang aktres sa gift sa kanya nang nasabing businessman. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?