140

Dec 5, 2017 @ 14:57
By

Architect, natagpuang patay sa Pasig

Blangko pa rin ang pulisya sa sinapit ng isang arkitekto na natagpuang patay at nakahandusay sa labas ng isang restaurant kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Batay sa report, natagpuan lamang ng security guard ng Kuys Family Restaurant na matatagpuan sa No. 88 Commercial Complex, Meralco Ave., Barangay Ugong, Pasig City ang walang buhay na si Virgilio Lantayao y Cerillo, architech, nasa hustong gulang, sa labas ng kanilang establisyimento bandang alas-singko ng madaling-araw.

Ayon sa sekyu na si Ronald Initia, kasalukuyang nag-iikot siya nang mamataan ang isang tao na nakahandusay sa gilid ng nasabing restaurant.

Agad na ipinaalam sa Pasig police ang insidente at nang suriin ng nagrespondeng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team ay wala namang nakitang anumang tama sa katawan subalit may nakitang ng isang zip lock plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong marijuana.

Kasalukuyang inaalam pa ng pulisya ang sanhi ng pagkamatay ng biktima kung may naganap na foul play sa nasabing arkitekto. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?