90

Nov 5, 2017 @ 11:22

Archers handa na sa Eagles

Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)

2:00 p.m. – UE vs FEU
4:00 p.m. – UP vs Adamson­

Nasapul ng defen­ding champion De La Salle University ang twice-to-beat incentive matapos kalusin ang National University 101-76 kahapon sa 80th UAAP basketball sa Smart-Araneta Coliseum.

David vs Goliath — Hindi natinag si La Salle skipper Kib Montalbo kay Se­negalese National U center Issa Seny Diouf Gaye sa 80th UAAP basketball tournament 2nd round elims kagabi sa Smart-Araneta Co­liseum. Muling pinana ng Green Archers ang Bulldogs, 101-76. (MJ Romero)

David vs Goliath — Hindi natinag si La Salle skipper Kib Montalbo kay Se­negalese National U center Issa Seny Diouf Gaye sa 80th UAAP basketball tournament 2nd round elims kagabi sa Smart-Araneta Co­liseum. Muling pinana ng Green Archers ang Bulldogs, 101-76. (MJ Romero)

Kumayod si Cameroonian Ben Mbala ng 30 points at eight rebounds para sa Green Archers, pinana ang 11th win sa 13 games at manatili sa No. 2.

Pinamunuan ni ­reigning MVP Mbala ang 23-9 run nang hawakan ng Taft-based squad ang 43-27 lead sa kalagitnaan ng second period na inalagaan na hanggang dulo.

Itinarak ng Green Archers ang six-game winning streak na kukunan ng momentum sa kanilang huling laro sa elimi­nation round kontra karibal na Ateneo.

“We had a good week and hopefully ma-carry over namin against Ate­neo,” ani team captain Kib Montalbo.

Sa susunod na Linggo ang muling paghaharap ng Blue Eagles at Green Archers.

Nirehistro ni Ricci Rivero ang 16 markers, six rebounds at two assists pang-ayuda kay 6-foot-7 Mbala.

Nangalabaw sina J-Jay Alejandro at Enzo Joson ng tig-20 points pero kinapos para akayin ang NU na lumalabo ang tsansa sa semifinals. (Elech Dawal)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?