By

Archer Dela Cruz naka-3 gold

Sharing is caring!

Pumana si Paul Marton Dela Cruz ng kanyang ikatlong gintong medalya dagdag pa ang isang pilak sa pagtatapos Miyerkules ng umaga ng ginanap na 2018 Asia Archery Cup Leg 2 sa loob ng Rizal Memorial Baseball Field.

Nakipagpareha si Dela Cruz kay Amaya Paz Cojuangco upang sungkitin ng Pilipinas ang gintong medalya sa Compound Mixed Team sa pagbigo sa Chinese Taipe, 151-147, sa finals.

Nagkasya naman ito sa pilak sa men’s team finals kasama si Earl Benjamin Yap sa Compound Men Team matapos mabigo sa top seed na Chinese Taipe sa finals.

Tinalo ng 3rd seed na sina Dela Cruz at Cojuangco ang top seed na sina Ming Ching Lin at Che Wei Lin matapos ang ginanap na 4 end cumulative scoring.

Samantala’y nagkasya lamang sina Dela Cruz, Earl Benjamin Yap at Joseph Vicencio sa pilak matapos kapusin kontra Chen Hsiang, Wei Lin at Hsin Lin ng Chinese Taipe sa Men’s Team finals sa iskor na 233-235.

Nabigo namang makapagwagi ng medalya ang Recurve Mixed Team nina Mark Javier at Kareel Hongitan na kinapos sa bronze medal match kontra Richi at Akash ng India matapos mabigo sa shoot off, 16-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?