66

Jul 7, 2019 @ 11:47
By

Archbishop ng Davao muling nahalal bilang pangulo ng CBCP

Muling nahalal bilang presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang Archbishop ng Davao na si Romulo Valles.

Inihalal si Valles sa naganap na CBCP plenary assembly sa Pope Pius XII Catholic Center nitong Sabado, kung saan ay dumalo ang 83 obispo.

Magsisimula ang ika-2 at panghuling termino ni Valles sa December 1, 2019 at magtatapos sa November 30, 2021.

Samantala, nahalal naman bilang vice president si Bishop Pablo Virgilio David ng Caloocan, habang nahalal naman na treasurer si Archbishop John Du at secretary general naman si Fr. Marvin Mejia.

Naghahanda na nga ang Simbahan sa ika-500 anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa 2021.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?