41

By

Arbilon, Samuel ginto sa pentathlon

Nagtulungan sina Princess Arbilon at Samuel German upang kumalawit ng gold medal sa mixed relay beach laser-run portion ng 30th Southeast Asian Games 2019 modern pentathlon Huwebes sa Subic Bay Freeport Zone.

Pumoste sina Arbilon at Samuel ng 13 minuto at 59 segundo upang ilampaso ang mga nakatunggali sa 11 bansa, 12 araw na tuwing dalawang taong paligasahan.

“Sabi namin babawi kami sa relay kasi talo kami sa individuals kanina,”kuwento ni Samuel.

Hinirit ni Arbilon, “’Di ko inexpect na makaka-gold kami kasi fourth lang ako sa individuals. Nag-focus lang kami sa pag-ayos ng aming mga mali.”

Parehong tubong Ormoc, fourth si Arbilon sa women’s individual habang silver ang nasungkit ni Samuel sa men’s side.

Kailangan ng bilis at liksi ng galaw sa event at dapat tamaan ang target gamit ang laser pistol ng limang beses na may distansyang 10-meter bago ang 800-meter run, gagawin nila ito ng apat na beses.

Pumangalawa sina Muktapa Changhin at Narong Deck Taparak ng Thailand sa 13:28.32 habang tersero sina Cintya Nariska at Frada Saleh ng Indonesia sa 13:59.54.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?