73

Jul 14, 2020 @ 21:23
By

Araw ng mga senior! Vico Sotto pirmado hanggang P30K incentive para kina lolo, lola

Tiba-tiba ang ilang senior citizen sa Pasig City matapos umabot sa edad 90 hanggang 100 ang ilang lolo’t lola sa lungsod.

Sa tweet ni Pasig Mayor Vico Sotto, binahagi nito na bungad sa kanyang araw ay nagkasal siya ng dalawang senior citizen.

Matapos naman nito ay nagkaloob siya ng P10,000 hanggang P30,000 para sa mga edad 90,95 at 100 sa kanilang lungsod.

“Mukhang araw ng mga seniors ngayon ah! Kaninang umaga nagkasal ako ng senior citizen couple. Ngayon naman pinirmahan ko ang disbursement voucher para sa financial incentive ng mga nag-90 95 at 100 yrs,” ayon kay Vico.

39 na tumungtong sa edad 90 ang makakakuha ng P10,000, anim naman na 95-anyos ang may P20,000, habang abot sa P30,000 ang matatanggap ng siyam na nakaabot sa 100 years old.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?