100

Oct 22, 2017 @ 15:32

Araw ng libing ni Cardinal Vidal, gawing holiday

Nais ng mga Cebuano na maideklara bilang holiday ang October 26, Huwebes, na araw ng paglilibing sa pumanaw na si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal.

Sa isang statement, sinabi ni Presidential Assistant for the Visayas Michael Dino na nakipag-ugnayan na siya sa tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea kaugnay ng hiling ng mga Cebuano na nais magbigay-pugay sa pumanaw na Kardinal.

Bukod sa mga Cebuano, nakikiisa rin sa nasabing kahilingan ang ilang mga lokal na pamahalaan sa Cebu..

“Indeed a pivotal shepherd for 29 years in our Archdiocese, the declaration of a holiday on the occasion of his interment will enable our people to pay their last respects to the beloved Cardinal,” ang bahagi ng statement ni Dino.

Si Vidal ay sumakabilang buhay noong October 18, 2017 sa edad na 86.

Nagsilbi si Vidal bilang archbishop ng Cebu sa loob ng 29 taon hanggang sa kanyang pagreretiro noong 2011.

Ang mosoleyo sa loob ng Cebu Metropolitan Cathedral ang magiging huling hantungan ng kardinal. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?