168

Mar 9, 2018 @ 21:41

Araw ng Kasambahay bill, aprub sa 2nd reading – Kamara

Libo-libong kasambahay ang makikinabang sa sandaling tuluyan nang maipasa ang batas na espesyal na inilaan para sa kanila.

Aprubado na sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas o House Bill 6825 na layon ideklara bilang Araw ng Kasambahay ang kada January 18 ng bawat taon.

Sa panukalang batas ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, gagawin special non-working holiday ang naturang petsa bilang pagkilala sa natatanging serbisyo na ipinagkakaloob ng mga kasambahay.

Sa sandaling pumatak ang January 18 ng Sabado o Linggo, ipagdiriwang ang Araw ng Kasambahay ng Biyernes.

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang inaatasan na ipatupad ang mga aktibidad na magbibigay parangal sa mga kasambahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?