26

Jun 24, 2022 @ 14:59
By

Araw ng inagurasyon ni Marcos Jr. idineklarang special non-working holiday

Idineklarang special non-working holiday ang Hunyo 30 ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila para sa gaganaping inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bong-Bong” Marcos Jr.

Ayon sa Executive Order No. 53 na pinirmahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, ito ay upang tiyaking ligtas at may proteksyon ang mga pupunta sa panunumpa ni Marcos na gaganapin sa National Museum.

“To ensure the safety, security, and protection of participants to this momentous event, the City Government of Manila, in coordination with the concerned agencies of the national government, has to close various thoroughfare in and around the perimeter of the inaugural venue which will undeniably affect the flow of traffic of both motorists and the riding public,” saad sa executive order.

Ang Manila Police District, mga opisyal ng barangay, at law enforcement officers ay inatasan ni Moreno upang mapanatili ang ‘peace and order’ sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?