59

Feb 11, 2020 @ 16:11
By

Araw ng Dabaw mauusog dahil sa nCoV

Kinansela ni Davao City Mayor Sara Duterte ang lahat ng mga event na kaugnay sa pagdiriwang ng Araw ng Dabaw sa Marso 2020 dahil sa banta ng paglaganap ng novel coronavirus (2019-nCoV).

Sa isang pahayag kahapon, Pebrero 10, sinabi ni Duterte na kinansela niya ang selebrasyon batay sa payo ng Department of Health (DOH) na iwasan ang mga public gathering para hindi na lumaganap pa ang nasabing sakit.

“We have been following the pronouncements of the Department of Health and it has released last February 7 the advisory on public gatherings, thus it is with a heavy heart that I have decided to cancel the following events of the 83rd Araw ng Dabaw celebration,” hayag ni Duterte.

“In addition, beginning tomorrow, February 11, all welcome and send-off groups at airports, seaports, bus terminals, and other transportation hubs are permanently banned not only because of the virus but for reasons of safety and security. Only employees, workers, drivers and passengers are allowed in these places,” wika pa ng alkalde.

Kanselado ang Pasiugdang Pagsaulog, Reyna Dabawenya, Ginoong Davao, Sayaw Pinoy, Kalingawan sa Sta. Ana, Hudyaka, Mutya ng Dabaw, Pasidungog, Araw ng Empleyado, Kanta Bidabawenyo, Parada Dabawenyo, at ang Datu Bago Awards.

Itutuloy aniya ang mga nagawang paghahanda sa Araw ng Dabaw sa taong 2021.

Ngayong Martes, Pebrero 11, tatlo na ang kumpirmadong kaso ng 2019-nCoV sa bansa. Sinabi rin ng DOH na nasa 382 katao ang persons under investigation (PUI) na sinususpetsahang nahawa sa nasabing virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?