64

Jan 13, 2022 @ 22:24
By

‘Araw-araw may trabaho’: Vice super thankful sa ABS-CBN

Kabilang ang Kapamilya Network sa mga gustong pasalamatan ni Vice Ganda sa pagtatapos ng taong 2021.

Sa gitna kasi ng COVID pandemic kung saan maraming nawalan ng trabaho, isa siya sa pinagpalang hindi pinababayaan ng network.

“Ako super thank you sa ano… sa ABS-CBN. ‘Di ba jusko araw-araw may trabaho tayo,” sambit ni Vice sa kanyang vlog habang kausap ang nobyong si Ion Perez.

Ang mga fan naman nila ni Vice ang nais pasalamatan ni Ion.

“Kaya ang dali lang sa ating dumedma ng negative e,” dagdag ni Vice.

Bukod sa ABS-CBN, pinasalamatan din ni Vice ang Viva lalo na ang boss nitong si Vic del Rosario.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?