32

By

Araneta, Generika-Ayala tinaob ang PLDT

Tumirada si skipper Angeli Araneta ng 15 points kabilang 14 digs para angklahan ang pagbuhos ngitngit ng Generika-Ayala kontra PLDT Home Fibr, 27-25, 16-25, 25-18, 25-14, Huwebes ng gabi sa 7th Philippine Superliga 2019 All-Filipino Conference prelims sa Muntinlupa City Sports Center.

Nagbak-ap sina Patty Orendain, Fiola Ceballos at Ria Meneses ng 14 at 13 markers each upang kapitan ng Lifesavers ang tersera sa 5-2 win-loss record sa pagbuntot sa F2 Logistis (7-0) at nagpataob sa kanila nitong Martes na Petron (5-1).

Si Grethcel Soltones ang nanguna naman sa opensiba ng Power Hitters 17, kabilang pa ang 14 digs. Pero sadsad ang team sa ikaanim na puwesto at natanggap ang pang-apat na taob para sa kartang 2-5.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?