35

Jan 15, 2021 @ 18:51
By

Araneta Coliseum dadagungdong na uli

Magbubukas nang muli ang Araneta Coliseum matapos ang halos isang taon nitong pagsasara buhat ng pandemya.

Kasabay ng pagbubukas nito ang pagkasa ng 6th Wish 107.5 Music Awards sa Linggo, Enero 17.

Ayon sa resident director ng taunang Wish Music Awards (WMA), ito ang kanilang “first big push” onstage.

Inabusihan naman ng pamunuan ng WMA ang publiko na hindi maaaring magtungo sa Araneta Colisuem ang mga nais manood buhat ng mga ipinatutupad na health protocol.

Maaari namang mapanood ang livestream ng naturang show sa opsiyal na YouTube channel ng Wish FM.

Kasama sa mga magtatanghal sila Gloc-9, Michael Pacquio, Clara Benin at ang bandang Ben&Ben.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?