67

By

Aranar, Nualla kekembot sa SEA Games

Inilabas na ng Dance Sports Council of the Philippines (DSCPI) ang mga official representative ng bansa para sa dance sport na bahagi ng 2019 Southeast Asian Games.

Sa ginawang 1st quarter competition at rankings na ginanap sa Ballroom Hall ng Valle Verde Coyntet Club sa Pasig City, mahigit na 400 manlalahok ang naglaban-laban.

Kasama ang Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Philippine Amusement and Gaming Corporation at si DSCPI president Becky Garcia, tiwala ang mga ito na kakayaning makipagsabayan ng mga Pinoy dancer kontra mga international dancer.

Hahataw para sa SEA Games Dancesport sa kategoryang Standard Discipline ang veteran pair nina Sean Mischa Aranar at Ana Leonila Nualla at pares nina Michael Angelo Marquez at Stephanie Sabalo para sa Latin discipline.

Bahagi rin sina Wilbert Aunzo at Pearl Marie Caneda, Gerald Jamili at Cherry Clarice Parcon-Jamili bilang mga alternate.

Kabilang din sina Mark Jayson Gayon at Mary Joy Renigen para sa Standard discipline at Tristan John Ducay at Aileen Patrice De Lara bilang mga alternate pair.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?