60

By ,

Aranar, Leonila iba pa kekembot sa SEAG

Pinangunahan nina Sean Micha Aranar at Ana Leonila Nualla ang mga dance athlete na pasok na 30th Southeast Asian (SEA) Games ngayong taon matapos nitong manguna sa 2019 DanceSports Council of the Philippines Inc. first quarter ranking and selection na ginanap kamakailan sa Valle Verde Country Club sa Pasig City.

Makakasama nina Aranar at Leonila ang first runner up na sina Mark Jayson Gayon at Mary Joy Renigen bilang isa pa sa mga pair na pasok sa standard discipline event ng SEA Games.

Para naman sa Latin Discipline event SEA Games qualifiers, sina Michael Angelo Marquez at Stephanie Sabalo ang nanguna rito habang nag-first runner up naman sina Wilbert Aunzo at Pearl Marie Cañeda na pasok din sa SEA Games.

Ang DanceSports competition ng SEA Games ay gaganapin sa Clark, Pampanga.

Inanunsyo ni DSCPI president Becky Garcia si Yer Lord Ilyum Gabriel ang kakatawan sa bansa sa BBoy Breaking event habang si Alyanna Talam ang napilo para sa BGirl Breaking competition.

Ang event na ito ay suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Philippine Amusement and Gaming Corporation, Flawless, GNK Ballroom, Dance Results Philippines, Like-FM 105.9, Studio AK, Muebles Italiano, The Greenery Bulacan at Caruso Ristorante Italiano.

Ang susunod na DanceSport event ay ang 2019 DSCPI Midyear Ranking and Competition sa Hulyo 20, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?