17

Oct 1, 2020 @ 16:29
By

Araña, Belga may ‘sari-sari store’ sa PBA bubble

Paniguradong hindi magugutom sina Rain or Shine player Ryan Araña at Beau Belga sa Pampanga para sa pagbabalik ng PBA.

Sa Instagram post ni Belga, pinakita nito ang kanilang mala-sari-sari store na setup para sa kanilang dalawang buwan na pananatili sa bubble.

Kumpleto ang supply ng dalawa, mula sa kape, inumin, cup noodles, biscuit, de lata, cooking oil pati na rin pakete ng shampoo

“Araña-Belga Sari Sari store now open to serve,” biro ni Belga.

https://www.instagram.com/p/CFyZh6BjI8S/

Target na simulan ang PBA restart sa October 11 kung saan isa-isa nang pumupunta ang 12 koponan sa kanilang hotel sa Pampanga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?