6

Jan 16, 2021 @ 19:19
By

Araña batak sa workout

Kahit may team workout na kasama ang Rain or Shine Elasto Painters, may sarili pa rin na pagpapakondisyon si Ryan Araña.

Ani Araña sa kanyang instagram story, “quick set after zoom workout with @bayanngros.”

Kita sa video ang magandang pangagatawan ni Araña na alaga kahit naka-bakasyon pa.

Batak sa ehersisyo ang katawan ni Araña na handa na sa muling pagbubukas ng season ng PBA sa Abril.

Maging ang recovery meal nito ay talagang balanse, whey at itlog ang binanatan ni Araña matapos ang workout.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?