515

Aug 21, 2018 @ 21:40
By

Ara Mina, nakipagsagutan sa isang IG follower

Pinuna ng isang Instagram (IG) follower ni Ara Mina ang pinost niyang photo ng anak niyang si Amanda Grabrielle Meneses (fathered by Mayor Patrick Meneses) nang mag-flower girl ang bagets sa naganap na kasalan nina Jericho Aguas at Jaycee Parker sa Promenade Ballroom ng King’s Royale sa Bacolor, Pampanga nu’ng Linggo ng hapon, August 19.

Sa photo caption ni Ara sa kanyang unica hija, sabi niya, “My beautiful flower girl @myamandagrabrielle last sunday at #HappilyEverAguas wedding.”

Sa post ng isang pakialamerang IG follower ni Ara at sambit nito, unedited, “I’m just wondering nag attend ka ng kasal pero pro yong mga kinasal Hindi mo ma i post sa ig mo para batiin po.. na noticed ko lang po”

Isang follower naman ni Ara ang ipinagtanggol siya sa thread, at sabi, “nsa ig stories nya po last sunday pa po buong ih stories nya sa wedding. Ok na po ba yon sa inyo?

Sagot naman ng aktres sa thread, “kasi po nabusy po ako kahapon sa taping ata wala pa sakin mga pictures ate cool ka lang di talaga ko minsan nakakapost agad ng bawat events na napupuntahan ko. Sana tinignan mo ang ig stories ko puro sila ng laman syempre more than 24 hrs na nawala na.”

Dugtong pa ng sexy actress, “atsaka bakit di ko ipopost e kaibigan ko yung couple wag ka nagwonder agad diba puwedeng busy lang ata wala pa sakin mga magagandang photos nila?”

“Sorry ha? You didn’t know how close I am sa couple you can ask them yourself,” huling banat ni Ara.

Ipinagtanggol naman ng former Viva Hot Babe si Ara sa basher, ani Mrs. Aguas, “hazel [real name ni Ara] has done so much for our wedding…it wouldn’t be so magical if it wasnt for her (ends with a smiley emoji)”

Almost three hours later, Ara posted on IG a photo na kasama niya ang mga bagong kasal. Winika ng award-winning star, “Congratulations and best wishes to Mr and Mrs Aguas @soulofjerichoaguas @iamjayceeparker (insert emojis) Finally! I’m so happy for you guys. Isa kayo sa mga couples na love ko napakatotoong tao,” bahagi ng caption ni Ara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?