4,123

By

Ara Mina manhid

Sharing is caring!

TALAGANG nakatali pa rin ang dila ni Ara Mina hanggang ngayon para sagutin ang mga patutsada sa kanya ni Rina Navarro, ang nagturing sa kanya na kaibigan, pero nabuking ang aktres na karelasyon pala ang pulitikong ama ng anak ng babae.

Anuman ang ilabas na panaghoy ng babae laban sa kanya ay umid ang dila ni Ara, wala siyang sinasagot, kaya ang sabi ni Rina ay kauna-unawa naman ‘yun dahil sanay na si Ara sa kanyang mga ginagawa.

Sabi nga ng kaibigan naming propesor, “Parang pasaway na bata si Ara na palaging napapalo ng mommy niya, kaya ang ending, e, manhid na siya. Hindi na niya nararamdaman ang mga palo kahit pa gaano kalakas ‘yun!”

Sa isang umpukan ay naging paksa si Ara Mina. Tama ang nagkakaisang opinyon ng mga nandu’n, parang napakainosente ng itsura ng aktres, parang hindi niya naman kayang sikmurain ang mga ibinibintang sa kanya ni Rina.

Kaya lang, kapag nag-throwback ang grupo ay du’n din nauuwi ang kuwentuhan, marami na kasing ginawang pakikipagrelasyon ang aktres sa mga pamilyado na, kaya kapani-paniwala ang mga paghusga sa kanya ni Rina Navarro, na ipinagtetengang-kawali lang ngayon ni Ara Mina.

Isang pamosong female personality ang nagpapaayos sa isang kilalang parlor nu’ng minsan, napagkuwentuhan du’n ang mga ipino-post ni Rina tungkol kay Ara, hindi inaasahan ng mga taga-parlor ang komento ng kilalang female personality.

Ang kanyang sabi, “Bagoooo???? May bago pa ba sa ganyang mga kuwento? Ano ba ang ginawa niya sa husband ko?” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?