135

Jan 13, 2021 @ 15:31
By

Ara Mina engaged na!

Ikakasal na ang aktres na si Ara Mina.

Sa Instagram post niya nitong Miyerkoles, makikita ang kanyang boyfriend na si Dave Almarinez habang nakaluhod at nagpo-propose sa kanya.

“Today I have received the most perfect gift from God. A prayer I have always been sincerely trusting Him to bring into my life,” caption ni Ara Mina.

Tinawag niyang “answered prayer” ang nobyo at pinasalamatan na laging nasa tabi niya.

“Dave, thank you for being my answered prayer. Thank you for not giving up on me. You are the reason why we have stronger days together. God led us to each other for a greater purpose. Let us both live it with faith and love.

“Yes, I will marry you!” patuloy pa niya.

Sabi pa ni Ara, dahil sa sorpresa ng kanyang boyfriend ay pinaramdam sa kanya nitong “more loved and cherished” siya.

Si Almarinez ay president at chief executive officer ng Philippine International Trading Corp.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?