270

Mar 28, 2019 @ 17:49
By

Ara masuwerte sa negosyo

Bongga talaga si Ara Mina! Very much young looking at napaka-sexy pa rin!

Pero mas bongga siya dahil sa kanyang business na ‘Hazelberry Cafe’, na nag-celebrate ng 2nd anniversary last March 17.

Anyway, nag-aral ng Culinary and Pastry sa ISCAHM (International School for Culinary Arts and Hotel Management) si Ara, at ngayon ay muli siyang nagbalik sa school for refresher course ngayong summer.

Winner naman talaga ang mga pagkaing isini-serve sa kanyang café, mula sa appetizer hanggang sa desert.

Mayroon din siyang ‘Ara’s Secret’ na beauty products naman, mga pampaputi, at 7 years na niya itong pinagkakaabalahan.

Mukhang bukod sa beauty products, happy lifestyle lang din ang aktres at into fitness na rin dahil sa kanyang pagdyi-gym.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?