97
ABANTE noynoy aquino saf 44 issue napenas
Jan 25, 2018 @ 17:32
By

Aquino umiiwas sa SAF 44 issue – Napeñas

Tatlong taon makalipas ang trahedyang sinapit ng 44 na miyembro PNP Special Action Force, muling inilabas ni dating SAF Director Getulio Napenas ang sama ng loob kay dating Pangulong Benigno Aquino III.

Sa paggunita ng ikatalong anibersaryo ng Mamasapano Massacre sa SAF Headquarters sa Bicutan, Taguig City, inulit ni Napenas na labis siyang nagsisisi sa pagsunod kay Aquino ukol sa Oplan Exodus.

Hinamon din ni nito ang dating pangulo na tanggapin ang kanyang mga responsibilidad at umpisahan nang sagutin ang mga katanungan ukol sa naging bahagi niya sa operasyon na ikinasawi rin ng international terrorist na si Zulkifli Bin Hir alias Marwan.

Samantala, sa pangalawang taon naman ng paggunita sa trahedya na si Pangulong Rodrigo Duterte ang namumuno sa bansa, tiwala pa rin ang mga kaanak ng SAF 44 na mabibigyan sila ng hustisya ng Pangulo.

Sabi ni Julie Cayang-o, biyuda ni SAF commando PO1 Gringo Cayang-o, may nakikita silang pag asa kay Pangulong Duterte. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?