238

Aug 15, 2019 @ 17:37
By

Aquino: PKL Karate tilt sisipa ngayong weekend

Aarangkada na ang 2019 PKL Friendship and Solidarity Goodwill Karatedo Games ngayong weekend, Agosto 17-18 na itatanghal sa Robinsons Place sa Sta. Rosa City sa Laguna.

Ang nasabing event ay nabuo sa pagsasanib-pwersa ng Philippine Karatedo League, Shitokai Philippines at Japan Karatedo Bumonjuko upang mas pagtibayin ang samahan ng dalawang bansa sa larangan ng karate.

Inaasahan ang pagdagsa ng mga karateka mula sa lahat ng sangay ng PKL sa Luzon at Japan.

Magsisilbi din itong pagpapalakas ng Team PKL sa paparating na World Gojuryu Karatedo Championship sa September 19-22 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“’Our main objective is to develop karate in grassroots level by organizing training camp, karate clinics, workshops and tournaments such as this,” saad ni Philippine Karatedo League Founder and Master Dennis Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?