36
aquino-asiad
By

Aquino, may kursunada nang bubuo sa Perlas sa 2018 Asiad

May mga nakukursunadahan na si national women’s basketball team coach Patrick Henry Aquino para sa magiging naturalized at Fil-Am players para 18th Asian Games 2018 sa darating na Agosto 18-Setyembre 2 sa Palembang at Jakarta sa Indoneia.

Aniya, nakatakda siyang magsadya sa Estados Unidos para makausap ang isa sa minamataan niyang si 6’2” guard Kelli Hayes ng University of California-LA.

Puntirya rin ni Aquino si Kelly Hardeman na ipinanganak sa Pilipinas pero lumaki sa Amerika at nasa bansa na simula pa noong nakaraang taon, pati si George Washington University guard Meylyn Bautista.

“Kelly Hardeman is here in the Philippines right now. She is now coaching PACE Academy and the one I am going to the States is Kelli Hayes. She’s still playing for UCLA,” litanya ni Aquino.

“She is about 6’2” and her mom is a pure Filipina so siya ‘yung ina-naturalize natin. For her kasi it will easy to get Philippine passport because of her mom. Kaysa kukuha pa tayo ng pure American which is hard na dadaan pa siya sa Congress and everything. This one with Filipino mother, mas madali,” panapos ni Aquino.

Wala pang listahan para sa 2018 Asiad, pero ilan sa nasa utak ni Coach Aquino sina three-time University Athletic Association of the Philippines Most Valuable Player Afril Bernardino, Jack Danielle Animam, Aliana Lim, Chack Cabinbin at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?