191
jv-ejercito
Jun 21, 2018 @ 18:47
By

Aquino iniligtas ni Morales mula sa mabigat na DAP cases – Ejercito

May hinala si Senador JV Ejercito na inililigtas ni Ombudsman Conchita Carpio Morales si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III mula sa mabigat na kaso kaugnay ng Disbursement Acceleration Program (DAP) kaya pinasampahan ito ng maliit na kasong usurpation of legislative powers.

Kapag nabasahan na si Aquino ng sakdal sa Sandiganbayan para sa kasong usurpation of legislative powers dahil sa DAP, hindi na umano ito maaring sampahan ng ibang kaso ng magiging bagong Ombudsan dahil double jeopardy na ito.

Magreretiro na si Morales sa Hulyo kaya makapagtatalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng taong gusto nitong maging Ombudsman.

Para kay Ejercito, na nagsulong ng mbestigasyon ng Senado sa DAP noong 2013, slap on the wrist o maliit na kaso ang usurpation of legislative powers.

Mas nararapat aniya ang kasong technical malversation of public funds dahil nagdeklara ng savings sa kalagitnaan ng taong 2012 at ipinamudmod sa mga senador at konggresista samantalang hindi iyon nakaprograma sa pambansang badyet ng taong iyon.

Pero hindi umano si Aquino kundi si dating Budget Secretary Florencio “Butch” Abad ang dapat na madiin sa technical malversation dahil nagsandig lang ang dating pangulo sa mga rekumendasyon nito.

Si Abad umano ang tagapangasiwa ng pondo ng gobyerno at ito ang nakakaalam kung ano ang legal at hindi legal habang taga-tanggap lang pangulo ng rekumendasyon ng kaniyang gabinete.

Ayon kay Ejercito, hindi siya malapit kay Aquino at lalong hindi siya tagahanga nito=pero sa kaniyang tingin, in good faith si ang dating pangulo sa pagpayag sa DAP.

Kung may kasalanan man si Aquino, sinabi ni Ejercito na ito ay negligence o pagpapabaya.

“While I feel for the former president, the question on his possible culpability on the actions taken by his DBM secretary will largely depend on the documents and paper trail made available to the Ombudsman prosecutors to prove or disprove his direct or indirect participation,” sabi ni Ejercito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?