49

Dec 5, 2017 @ 10:12
By

Aquino iimbestigahan din sa dengue vaccine controversy

Kasama si dating Pangulong Benigno Aquino III sa iimbestigfahan ng National Bureau of Investigation kung may pananagutan ito sa kontrobersiyal na P3.5 bilyong dengue vaccine program ng Department of Health (DOH).

“Everybody who was involved will be included in the NBI investigation,” pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II nang tanungin ng mga reporters kung kasama sa iimbestigahan ang dating pangulo.

Noong Biyernes, ipinatigil ng DOH ang paggamit ng Dengvaxia matapos aminin ng manufacturer nito, ang Sanofi Pasteur, na maaring makapagdulot ng mas malalang karamdaman ang produkto nilang bakuna na Dengvaxia sa mga batang hindi pa tinatamaan ng dengue.

Kasama rin sa aalamin ng NBI ang posibilidad na may nangyaring pagkukulang sa panig ng mga dating opisyal ng DOH.

Lahat aniya ng sangkot o may partisipasyon sa pagbili ng bakuna ay kasama sa mga maiimbestigahan.

Matatandaan na inilunsad ang anti-dengue immunization program ng DOH noong Administrasyong Aquino at naisakatuparan sa ilalim ni Dating Health Secretary Janet Garin. Ginastusan ang programa ng P3.5 billion.

Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Asya na nagbigay ng Dengvaxia Vaccine. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?