132

Jun 21, 2018 @ 10:41
By

Aquino, idinepensa sa isyu ng DAP

Kinampihan ni Caloocan Rep. Edgar Erice si dating Pangulong Noynoy Aquino matapos iutos ng Ombudsman na kasuhan ito kaugnay ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Iginiit ni Erice na ang DAP ay policy direction na ipinatupad ng nakaraang administrasyon para tugunan ang isyu ng undespending at mapabilis ang infrastructure development.

Binigyang diin nito na walang corruption sa DAP at para sa ikabubuti ng lahat ang nasa isip ng dating Pangulo nang ipatupad ito.

“DAP is a policy direction adopted bh the Aquino administration to address the issue of underspending and hasten infrastructure devt, its not corruption per se,” pahayag ni Erice.

Naniniwala rin ang kongresista na handang harapin ni Aquino ang consequence ng kanyang naging aksiyon.

Winelcome naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, isa sa mga naghain ng reklamo laban kay Aquino, ang naging desisyon ng Ombudsman.

Pero nanindigan ito na hindi lang dapat usurpation of legislative power ang ikaso kina Aquino at dating Budget secretary Butch Abad.

“We believe that Aquino and Abad should not be indicted for the charge of usurpation of legislative power only but they should be indicted as well for technical malversation and graft charges as both author and architect of the multibillion presidential pork barrel called DAP,” sabi ni Zarate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?