300

Dec 14, 2017 @ 15:21
By

Aquino hindi alam na nanuhol ang Sanofi

Kinompronta ni Sen. Richard Gordon si dating Pangulong Benigno Aquino III ukol sa pakikipagpulong nito sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur sa China noong Nobyembre 2015 at sa France noong Disyembre 2015.

Kinuwestiyon ni Gordon kung bakit nakipagkita si Aquino samantalang pangit umano ang reputasyon ng Sanofi Pasteur.

Sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee na kaniyang pinamumunuan, sinabi ni Gordon na nakalap niya ang mga ulat na napagmulta ang Sanofi sa ibang bansa dahil sa panloloko at dahil sa naakusahan ng panunuhol.

Sinabi pang dapat ay nag-ingat si dating Health Secretary Janette Garin sa pagrerekomenda na makipagkita si Aquino sa mga opisyal ng Sanofi.

“I just want to point out, without casting aspersion on your character, that when you meet with drug companies like this… you were not briefed on your first meeting with them in China, sir?” tanong ni Gordon kay Aquino.

Tugon naman ni Aquino, wala siyang alam ukol sa mga sinabi ni Gordon laban sa Sanofi.

Nakipagkita si Aquino sa mga opisyal ng Sanofi noong Nobyembre 9, 2014 sa Beijing, China at noong Disyembre 1, 2015 sa Paris, France. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?