31

Oct 15, 2021 @ 23:02
By

Aquino didribol sa B.League

Lalaro na sa B.League sa Japan si Matthew Aquino, anak ni Philippine Basketball Association legend Marlou Aquino, nang umanib sa Shinshu Brave Warriors.

Pumirma ang nakababatang Aquino ng three-year contract sa anunsyo ng koponan Biyernes.

Hindi katulad ng ibang Pinoy sa liga na nakalista sa ilalim ng Asian Players Quota, sasabak si Aquino bilang local player dahil sa hawak na Japanese nationality.

Umaksiyon noon ang 6-foot-8 big man sa National University na nag-average ng 3.41 points at 2.96 rebounds. Sumlang na rin siya sa Bacoor City Strikers sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

“I would like to express my gratitude to coach Michael (Katsuhisa) and to the Shinshu Brave Warriors organization for this opportunity to play for you. I am incredibly grateful for the faith you have given me, I will make sure to return it with my effort in every practice and game,” litanya ni Aquino.

“I’m ready, I’ve been preparing my whole life for something like this, and I’m here to make God, my family and everyone else proud. I’m very excited to come to Japan and can’t wait to meet everybody, especially the boosters!” saad pa ng basketbolista.

Si Aquino ang pangsiyam na Pinoy Japanese league kasama sina Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III (San-En Neophoenix), KieferIsaac Ravena (Shiga Lakestars), Javier Joaquin ‘Javi’ Gomez De Liaño (Ibaraki Robots), Bobby Ray Parks Jr. (Nagoya Diamond Dolphins), Kobe Lorenzo Paras (Niigata Albirex BB), Dwight Ramos (Toyama Grouses), Juan Gerardo Gomez de Liano (Tokyo Z Earthfriends) at Kemark Carino (Aomori Wats).

Makakabangga ng Warriors ang Alvark Tokyo ngayong Sabado ng alas-2:05 nang hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?