173

Dec 10, 2017 @ 19:45
By

Aquino babalatan sa dengue vaccine controversy – Gordon

Hindi umano isasara ng Senado ang imbestigasyon sa kontrobersiyal na P3.5 bilyon dengue fever vaccine hanggat hindi nakukuha ang panig ni dating Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa isyu.

“I think eventually, we will end up inviting him,” pahayag ni Senador sa panayam sa dzBB kanina.

Mainam aniyang magpaliwanag si Aquino sa pagdinig ng Senado dahil siya naman ang nag-apruba ng natgurang dengue vaccine program ng Department of Health (DOH) noong 2015, sa pangunguna ng dating Health Sec. Janet Garin.

Marami rin umanonng dapat ipaliwanag si Garin gayundin si dating Department of Budget and Management (DBM) Sec. Florencio Abad.

“Hindi naman magre-release (ng funds to DOH) si Sec. Abad ng walang permiso si (former) President. Saka yung paglilipat ng pera di basta basta magagawa yun,” sabi ni Gordon.

“Pagdating ng oras dapat imbitahan sya (Aquino). Pero kahit hindi sya imbitahin marami na syang ipapaliwanag eh.
“(At) para makapaghanda rin sya dahil syempre to be fair, former senator ‘yan, former president ‘yan, ayoko naman magsabi kaagad. Ang sinasabi ko lang ngayon dapat ipaliwanag nya kung papano nangyari ito dahil ang sabi ko parang midnight deal ito eh. Palabas na yung administration (in power) parang hinabol lang ito,” dagdag pa ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?