75

Dec 24, 2017 @ 12:10
By

Aquino admin pinitik sa mabagal na infra projects

Ipinagmalaki ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang pagsisimula ng expansion project ng Clark International Airport ay patunay lang na may political will ang administrasyong-Duterte na pabilisan ang mga malalaking proyekto.

Kasabay nito, ang ang kanyang pagpuna sa nakalipas na administrasyon kung saan inabot ng 50 buwan bago matapos ang Cavite-Laguna Expressway.

Aniya, ang proyekto sa Clark ay naaprubahan sa loob ng 18 buwan sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte at inaasahan na aabutin lang ng ilang buwan bago ito maging operational.

“This administration brooks no delay in building the projects that the people need and the public deserves,” ani Dominguez.

Ang proyekto ay kabilang sa mga unang big-ticket infra projects ng kasalukuyang administrasyon sa pamamagitan ng Public-Private Partnership formula, kung saan ang gobyerno ang magsisimula, bago maghahanap ng pribadong kontratista na tatapos sa proyekto.

Sinabi pa ni Dominguez na ang Clark complex ang magiging sentro ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), North Luzon Expressway (NLEX), Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) at ng binabalak na Tarlac-Nueva Ecija-Aurora Expressway (TNEAEX).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?