67

Dec 24, 2017 @ 9:49
By

Aquino, 3 x-cabinet officials nasa lookout bulletin ng BI

Inilagay ng Department of Justice (DOJ) sa ilalim ng Immigration Lookout Bulletin (ILBO) si Dating Pangulong Benigno Aquino III at ang mga dating matataas na opisyal ng kanyang gabinete.

Sa tatlong pahinang urgent memorandum na pirmado ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre, siyam na mga indibidwal ang kasama sa ILBO.

Bukod kay Aquino, nasa ILBO din sina Dating Budget Secretary Florencio Abad, Dating Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. at Dating Health Secretary Janette Garin.

Maging ang mga opisyal ng Sanofi na manufacturer ng Dengvaxia na sina Gillaume Leroy, Olivier Brandicourt, Dr. Ruby Dizon, Thomas Triomphe at Carlito Realuyo.

Ginawang batayan sa inisyung ILBO ang reklamong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act na inihain ng mga myembro ng Gabriela at ng mga magulang na nabakunahan ng Dengvaxia laban sa mga nasabing indibidwal sa Tanggapan ng Ombudsman.

“Considering the gravity of the possible offenses which may habe been committed, there is strong probability that they may attempt to place themselves beyond the reach of the legal processes of the government by leaving the country.

We thus deem the issuance of the ILBO against the subject persons prudent in order to at least monitor the iteneraries of their flight, travel and/or whereabouts,” ang nakasaad sa memorandum.

Kaugnay nito, inaatasan ng DOJ ang lahat ng mga immigration officer na maging mapatmatyag sakaling mamataan sa mga international ports at seaports ang sinuman sa mga nasabing respondent.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?